Makaaasa ang ating mga loyal members ng Shell Go+ Pro sa ating patuloy na pagpapalawak ng libreng edukasyon para sa kanila o kanilang mga dependents, upang makatulong sa pagpapabuti ng kanilang buhay.

MECHANICS:

  1. Kailangang punan ng Shell Go+ Pro member ang Unlad sa Pasada (USP) Application Form at ipadala sa email address na usp@pilipinasshellfoundation.org
  2. Kinakailangang mga dokumento:
    • Filled up USP Application Form at Data Consent Form
    • Scanned copy ng alinman sa High School Diploma or ALS certificate
    • NBI/Barangay Clearance
  3. Maaaring mag-apply sa scholarship program ng USP ang mga kwalipikadong miyembro ng Shell Go+ Pro o kanilang dependents at kaanak. Tanging ang mga dependents na kamag-anak ng mga Shell Go+ Pro members hanggang sa ika-3 degree consanguinity ang maaaring mag-apply. (Halimbawa: asawa, anak, kapatid, pamangkin, apo, lolo at lola).
  4. Ang mga aplikante para sa USP scholarship program ay dapat na:
    • 18 taong gulang pataas
    • Nasa maayos na pangagatawan at pag-iisip
    • Nagtapos nang hindi bababa sa High School
    • Dapat makapasa sa mga pagsusulit at interview na isasagawa ng mga opisyal ng proyekto ng Pilipinas Shell Foundation Inc.(PSFI). 
  5. Maaabisuhan ang mga maaaring mag-apply para sa USP Scholarship Program ang Shell Go+ Pro members. Aaprubahan at bibigyan ng prayoridad ang bawat aplikasyon batay sa mga sumusunod na pamantayan:
    • Hindi bababa sa anim (6) na buwan ang pagiging miyembro ng isang Shell Go+ Pro member
    • May average fuel spend sa bawat buwan na hindi bababa sa:
      • 200 liters – para sa drivers ng Jeepney, taxi, FX, van, bus and truck
      • 50 liters – para sa drivers ng tricycle, habal-habal, kuliglig and bangka

Para sa karagdagang impormasyon, maaring tumawag sa Pilipinas Shell Foundation, Inc. (PSFI) Unlad sa Pasada, sa numerong (0967)3815520

COURSES AVAILABLE FOR APPLICATION IN 2023:

Automotive Servicing (NC II)
Class Type: On-site / Face-to-Face
Class Schedule: Saturdays, 8AM to 5PM
Start Date: August 2023
Course Duration: 6 months
Partner Training Institution:

  • NCR – Don Bosco Makati
  • CEBU – College of Technical Sciences Cebu Inc.
  • CAGAYAN DE ORO – Crossroads Technical Institute

Description:
Sa Automotive Servicing NC II, makakakuha ng sapat na kasanayan ang isang tao sa pag-inspect, paglinis at pag-repair ng mga mechanical o electrical parts, components, assemblies, at sub-assemblies ng mga light- at heavy-duty na sasakyan na may diesel o gas engine nang naaayon sa specifications ng manufacturer. Kasama din dito ang servicing ng engine mechanical components tulad ng cooling at lubricating system; pagsasagawa ng power train at underchassis servicing at repair.

Ang mga nagtapos ng kursong ito ay maaaring maging isang automotive mechanic o automotive service technician.

Motorcycle/Small Engine Servicing (NC II)
Class Type: On-site / Face-to-Face
Class Schedule: Saturdays, 8AM to 5PM
Start Date: August 2023
Course Duration: 6 months
Partner Training Institution:

  • NCR – Don Bosco Makati
  • CEBU – College of Technical Sciences Cebu Inc.
  • CAGAYAN DE ORO – Crossroads Technical Institute

Description:
Ang Motorcycle/Small Engine Servicing NC II ay isang maiksing kurso na magbibigay ng kasanayan para sa pagkabit at paggawa ng mga motorsiklo at mga sasakyan na may maliliit na makina. Kasama dito ang mga kasanayan sa mga sumusunod:

  • Tamang pag-apply ng sealant/adhesive
  • Pagsagawa ng mensuration at calculation
  • Tamang pag-intindi at pag gamit ng specifications at manuals
  • Pag gamit at paglalagay ng lubricant/coolant
  • Performing shop maintenance and periodic maintenance
  • Servicing fuel system, lubrication system, ignition system, exhaust system, suspension system, brake system, wheels and tires, clutch system, electrical system, final drive, and cooling system
  • Overhauling motorcycle/small engine

Ang mga nagtapos ng kursong Motorcycle/Small Engine Servicing NC II ay maaring magtrabaho bilang mekaniko para sa mga motorsiklo at mga sasakyan na may maliliit na makina.

Bookkeeping (NC III)
Class Type: Online
Class Schedule: Saturdays, 8AM to 5PM
Start Date: August 2023
Course Duration: 6 months
Partner Training Institution: Don Bosco Tondo Youth Center

Description:
Sa Bookkeeping NC III, pagbubutihin ang kaalaman at kasanayan ng mga Bookkeepers alinsunod sa mga pamantayan ng industriya. Kasama rito ang mga pangunahin at kinakailangang kaalaman sa pagtala at pag post ng mga transaksyon, paghahanda ng trial balance, paghahanda ng mga financial reports at pagsusuri ng mga internal control systems.

Ang mga nagtapos ng kursong ito ay maaaring maging Bookkeeper or Accounting Clerk.

Bread and Pastry Production (NC II)
Class Type: Online
Class Schedule: Saturdays, 9AM to 12NN
Start Date: August 2023
Course Duration: 6 months
Partner Training Institution: Vineyard International Polytechnic College

Description:
Layunin ng kursong Bread and Pastry Production NC II na turuan ang isang tao upang maging globally competitive Bakers / Pastry Chefs sa pamamagitan ng mga sumusunod:

Sa Bread and Pastry Production NC II, makakakuha ng sapat na kasanayan ang isang tao sa paglilinis ng mga kagamitan at kasangkapan sa paghahanda ng mga pastries, tinapay at iba pang dessert items sa mga hotel, restaurant, maging sa resorts at luxury lines/cruises.

Cookery (NC II)
Class Type: Online
Class Schedule: Saturdays, 1PM to 5PM
Start Date: August 2023
Course Duration: 6 months
Partner Training Institution: Vineyard International Polytechnic College

Description:
Sa Cookery NC II, makakakuha ng sapat na kasanayan ang isang tao upang maghanda ng mga pagkain at dessert para sa iba't ibang mga pasilidad ng serbisyo ng pagkain at inumin.

Ang isang tao na nagtapos ng Cookery NC II ay maaaring magtrabaho bilang Cook o Assistant Cook sa Garde Manger, Pastry, or Hot Kitchen Section.

Basic Entrepreneurship
Class Type: Online
Class Schedule: Thursdays and Fridays, 5PM to 6PM
Start Date: August 2023
Course Duration: 6 months
Partner Training Institution: BCYF – St. Marie Mutien College

Description:
Ang kursong Basic Entrepreneurship ay magbibigay ng sapat na kaalaman at kasanayan para sa pagpa-plano at pagsisimula ng small or micro-enterprise. Layunin ng kursong ito na hikayatin at maihanda ang mga mag-aaral sa pagsasa-ayos at pagtupad ng mga plano para sa kanilang negosyo.

Nilalayon ng kursong ito ang mga sumusunod:

  • Ituro ang basic concepts at skills ng entrepreneurship
  • Hikayatin ang mga scholars na magmungkahi at gumawa ng detalyadong plano para sa business idea
  • Bigyan ng oportunidad ang mga scholars na maisagawa ang business idea

Download the USP Application Form here

Download the Data Consent Form here

MORE IN Life at Shell

Ever journey has a plus with Shell Go+

Make every journey more rewarding with the new Shell Go+ App.

Shell Go+ perks – partner offers

Get exclusive discounts, freebies, and other deals from our partners with the new Shell Go+ app.

Balik Bayad with PayMaya

Get 20% Balik Bayad with PayMaya and Shell from March 1, 2021 to May 31, 2021.

YOU MAY ALSO BE INTERESTED IN

Shell Stations Remain Open

Please save this page for updates and helpful information, in line with the recent public health developments and the community quarantine imposed on the National Capital Region.

Shell Gasoline Station Locator | List of Shell Mobility Station

Find your nearest Shell Station and plan your route.