Skip to main content

Shell Go+ Pro - Unlad sa Pasada

Ang Shell Unlad sa Pasada (USP) ay isang programang pang-edukasyon na bahagi ng mga benepisyo para sa mga Shell Go+ Pro members.

Mechanics:

Makakaasa ang ating mga loyal members ng Shell Go+ Pro sa ating patuloy na pagpapalawak ng libreng edukasyon para sa kanila o kanilang mga dependents, upang makatulong sa pagpapabuti ng kanilang buhay.

Sino ang pwede mag-apply?

1. Maaaring mag-apply sa scholarship program ng USP ang mga kwalipikadong miyembro ng Shell Go+ Pro o kanilang dependents at kaanak. Tanging ang mga dependents na kamag-anak ng mga Shell Go+ Pro members hanggang sa ika-3-degree consanguinity ang maaaring mag-apply. (Halimbawa: asawa, anak, kapatid, pamangkin, apo, lolo at lola).

2. Ang mga applikante para sa USP scholarship program ay dapat;

  • 18 taong gulang pataas
  • Nasa maayos na pangagatawan at pag-iisip
  • Nagtapos nang hindi bababa sa High School
  • Makapasa sa mga pagsusulit at interview na isasagawa ng mga kawani ng Pilipinas Shell Foundation Inc. (PSFI).

Paano mag-apply?

1. Ang mga kwalipikadong Shell Go+ Pro member ay makakatanggap ng SMS o text message mula sa Pilipinas Shell Foundation Inc. (PSFI) para ipaalam na kayo ay kwalipikado sa isang scholarship program.

2. Ihanda ang mga detalye mula sa Shell Go+ Pro member na gagamitin sa isang form na ipapadala ng PSFI.

3. Ihanda ang mga sumusunod na dokumento kapag nakumpira na ang application bilang USP scholar.

  • Filled up USP Application Form
  • Scanned copy ng alinman sa High School Diploma or ALS certificate
  • NBI or Barangay Clearance

4. Bibigyan ng prayoridad ang bawat aplikasyon batay sa mga sumusunod na pamantayan:

  • Hindi bababa sa anim (6) na buwan ang pagigi4-month course or 1 weeks every Thursday and Friday starting October 29ng miyembro ng isang Shell Go+ Pro member
  • May average fuel spend sa bawat buwan na hindi bababa sa:
  • 200 liters – para sa drivers' ng Jeepney, taxi, FX, van, bus and truck
  • 50 liters – para sa drivers ng tricycle, habal-habal, kuliglig and bangka

5. Ang course offering ngayong taong 2026-2027 ay ang mga sumusunod:

  • Automotive Course- 5 scholars
    Sa Automotive Servicing NC II, makakakuha ng sapat na kasanayan ang isang tao sa pag-inspect, paglinis at pag-repair ng mga mechanical o electrical parts, components, assemblies, at sub-assemblies ng mga light- at heavy-duty na sasakyan na may diesel o gas engine nang naaayon sa specifications ng manufacturer. Kasama din dito ang servicing ng engine mechanical components tulad ng cooling at lubricating system; pagsasagawa ng power train at underchassis servicing at repair.
  • Basic Entrepreneurship Program- 34 scholars
    Ang kursong Basic Entrepreneurship ay magbibigay ng sapat na kaalaman at kasanayan para sa pagpa-plano at pagsisimula ng small or micro-enterprise. Layunin ng kursong ito na hikayatin at maihanda ang mga mag-aaral sa pagsasa-ayos at pagtupad ng mga plano para sa kanilang negosyo.
    Training partner: St. Mutien College.
  • Learning AI for BPO agents- 30 scholars
    Ang kursong eto ay Pagsasanay sa AI para sa mga kasalukuyang nag tatrabaho sa BPO or mga call center agents. Layunin ng kurso na matutunan ang mga pangunahing kasanayan sa AI para maging handa, masigla, at tiwala sa nagbabagong BPO workspace.
    Training partner: St. Marie Mutien College

Karagdagang impormasyon tungkol sa mga kursong nabanggit:

Kurso Class Type Class Schedule Course Duration
Automotive Course On site / Face to Face Saturdays 8am to 5pm December 2026 to July 2027
Basic Entrepreneurship Program Online 4-month course or 1 weeks every Thursday and Friday starting October 29. November 2026 to February 2027
Learning AI for BPO agents- 16 hours online course, 4 hours session x 4 sessions. Online Thursdays and/or Fridays 5-9 PM starting Oct 29 Online 16 hours total
4 modules, 4 sessions, 4 hours per session
Tuwing Huwebes
5pm to 9pm
November 2026

Para sa karagdagang impormasyon, maaring magpadala mg email inquiry sa usp@pilipinasshellfoundation.org or mag message sa Pilipinas Shell Foundation FB page.

Ilagay lang po ang email subject na “USP Inquiry”.

Mahalagang tandaan ang mga sumusunod na petsa para sa mga nais sumali sa programang ito:

  • Recruitment and selection – ongoing
  • Onboarding and enrollment of scholars – October – November 2026
  • Recognition of completers – April-May 2027

MORE IN LIFE at Shell

Shell Gasoline Station Locator | List of Shell Mobility Station

Find your nearest Shell Station and plan your route.

Shell Go+ Exclusive: Free Roadside Assistance

Eligible Shell GO+ Private members may get free roadside assistance services.

Shell Go+ Exclusive: Free Personal Accident Insurance

Shell Go+ Private and Pro members can now enjoy free personal accident insurance!

10% Discount on Motolite Batteries

Shell Go+ Private members can enjoy 10% discount on Motolite Batteries!